Dalawang bagong X-ray machine, inilagay sa MICP bilang bahagi ng Anti-Smuggling efforts ng BOC
Asahan na mas bibilis pa ang kapasidad ng Bureau of Customs sa pagsala sa mga kargamento na dumadaan sa mga port sa bansa.
Kasunod ito ng dalawang bagong portal type X-ray machines na inilagay sa Manila International Container Port (MICP).
Inaasahang mapapataas nito ang maximum inspection capacity ng MICP ng hanggang 7,680 containers kada araw.
Ang bawat isang x-ray ay kaya umanong mag scan ng 160 container kada oras.
Kumpara sa mga mobile-type x-ray na dating ginagamit sa MICP na kaya lang mag-scan ng 25 container kada oras o 600 container lamang.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng anti-smuggling efforts ng BOC.
Sa portal type x-ray ay mismong truck ang dumadaan sa scan machine kumpara sa mobile x-ray na ang machine ang umiikot sa container.
Ulat ni Madz Moratillo