Dalawang commercial fishing vessel na nagsasagawa ng ilegal na aktibidad sa karagatan ng Zamboanga City, kinumpiska

Courtesy: Zamboanga City MARPSTA

Kinumpiska sa Barangay Upper Calarain sa Zamboanga City, ang commercial fishing vessel na FB Pharrel Zane at FB JMV, dahil sa paglabag sa Sec.113 ng RA 10654.

Kaugnay ng pinaigting na seaborne patrol operations ng Zamboanga City Maritime Police Station, ay hinarang ng mga operatiba na pinamumunuan ni Station Chief PMAJ. Aiman Kamlon, ang 2 fishing vessel na ang mga manggagawa at mangingisda ay kapwa hindi lisensiyado.

Courtesy: Zamboanga City MARPSTA

Ang mga nakumpiskang bangka at mga naarestong indibidwal ay dinala sa himpilan para sa dokumentasyon, at pagsasampa ng kaukulang kaso sa BFAR IX.

Aldrin Puno

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *