2 ex-Admin Officials, muling binigyan ni PRRD ng posisyon sa gobyerno
Kinumpirma ng Malakanyang na binigyan ng bagong posisyon sa gobyerno ang dalawang dating opisyal ng Duterte administration.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco bilang Presidential Adviser on Streamlining of Government Process.
Ayon kay Roque binigyan din ng bagong posisyon si dating Presidential Adviser on Economic Affairs and Information Technology Ramon Jacinto bilang bagong Presidential Adviser for Telecommunications.
Inihayag ni Roque ang pagtatalaga ng mga opisyal ng pamahalaan sa ilalim ng Executive Department ay nasa kapangyarihan ng Pangulo na hindi puwedeng kuwestiyunin.
Magugunitang malimit batikusin ng mga kritiko ng administrasyon si Pangulong Duterte dahil sa sinasabing recycling ng mga opisyal ng kasalukuyang administrasyon.
Vic Somintac