Dalawang delinquent tax payers sa Maynila, ipinagharap ng reklamo ng BIR sa DOJ dahil sa mahigit 24 milyong pisong hindi nabayarang buwis
Sinampahan ng reklamong tax evasion sa Department of Justice o DOJ ang 2 negosyante sa Maynila dahil sa utang sa buwis na umaabot sa mahigit 24 bilyong piso.
Ayon sa Bureau of Internal revenue o BIR, reklamong paglabag sa Section 255 ng Tax code ang inihain nito laban kay Peter Que Garcia na sole proprietor ng Foot Haven shop sa Tutuban center, Tondo, Maynila.
Umaabot sa mahigit 7.5 milyong piso ang hindi nabayarang buwis ni Garcia noong 2010.
Bukod kay Garcia, kinasuhan ng BIR ng parehong paglabag ang Sea Dragon shipping and Logistics Incorporated at ang Presidente/ CEO nito na si Marvin G. gata na may business address sa Escolta St., Binondo, Maynila.
Kabuuang 15.6 milyong piso naman ang hinahabol ng gobyerno sa Sea Dragon dahil sa kabiguang mabayaran na buwis noong 2010.
Sa records ng BIR, huling naghain ng tax returns sina Garcia at Sea Dragon noong 2010 at 2012.
Matagal nang inabisuhan ng BIR ang mga respondents pero bigo pa ring magbayad ng buwis.
Ulat ni Moira Encina