Dalawang doses ng Pfizer at Astrazeneca, mas epektibo kontra Delta variant, ayon sa pagsasaliksik ng mga British researcher
Epektibo para protektahan ang isang indibidwal laban sa Delta variant ang dalawang doses ng Pfizer at Astrazeneca Covid-19 vaccines.
Ito ang lumabas sa pananaliksik ng ilang British researcher.
Habang ang isang dose naman ng kahit aling bakuna ay kaunting proteksyon lamang ang maibibigay laban sa Delta variant.
Ang pagkalahatang efficacy ng mga bakuna sa England ay pinag-aaralan ng grupo ng mga researchers nung unang kumalat ang Alpha o UK variant bago naitala ang Delta variant.
Tig-dalawang dose ng Pfizer at Astrazeneca ang itinurok na bakuna sa England.
Nakatulong ng malaki sa pag-aaral ng mga eksperto ang kumpletong database of medical records ng England.