Dalawang empleyado ng Manila RTC Branch 48 nagpositibo sa COVID-19
Naka-lockdown ang Manila Regional Trial Court Branches 48 at 6-FC dahil sa mga panibagong kaso ng COVID-19.
Sa memorandum ni Executive Judge Virgilio Macaraig, sinabi na dalawang empleyado ng Branch 48 ang nagpositibo sa COVID.
Dahil dito, ipinagutos ng hukom na pansamantalang isara hanggang sa November 9 ang Branch 48.
Sarado rin ang Branch 6-FC dahil sa parehas ito ng Branch 48 na ginagamit na korte.
Inatasan din ang mga kawani na magsagawa ng contact tracing para mabatid kung sinu-sino ang mga nakasalamuha ng dalawang nagpositibong staff.
Maaaring magsagawa ng video conferencing hearings ang mga hukuman habang naka-lockdown ito.
Samantala, sarado rin ang San Miguel, Zamboanga del Sur RTC Branch 29 hanggang November 6, at Rosales, Pangasinan RTC Branch 53 hanggang November 17 dahil pa rin sa mga kaso ng COVID-19.
Moira Encina