Dalawang foreign suicide bomber at isang ASG member, patay sa gun running battle sa Sulu
Tatlong pinaniwalaang suicide bomber na miembro ng bandidong Abu Sayyaf ang napatay sa naganap na gun running battle sa pagitan ng mga tauhan 41st Infantry Batallion, PA at ng grupong Abu Sayyaf sa isang military checkpoint sa may Sitio Itawon, Brgy Kan Islam, Indanan, Sulu.
Nakasakay ang tatlo sa dalawang motorsiklo mula umano sa bayan ng Maimbung papunta sana sa sentrong bayan ng Jolo pero pinaputukan ng tatlo ang isang military checkpoint sa lugar.
Napatay ng militar ang tatlo, dalawa rito ay mga Egyptian national na gumagamit ng Pilipinong pangalan na Abdu Ramil at ang pinaniwalaang anak nito na si Abdurahman base na rin sa sedula at ibang dokumento na narekober ng militar sa lugar.
Napatay din ang isa pang sakay sa kabilang motorsiklo na nakilala lamang sa pangalang alyas James habang nakatakas pa ang driver na kasama nito.
Narecober sa lugar ang isang bomb vests; isang Caliber .45 pistol, at isang granada.
Agad na dinala sa Camp Gen Teodulfo Baustista sa Bus-bus, Jolo ang mga napatay na pinaniwalaang suicide bomber para sa kaukulang disposisyon.
Habang ang nabawing baril at granada ay dinala na sa PNP crime laboratory.
Ulat ni Ely Dumaboc