Dalawang human traffickers hinatulang guilty sa online sexual exploitation of children ng Pateros court
Sinentensiyahan ng Pateros RTC Branch 262 ang dalawang human traffickers matapos mapatunayang guilty sa online sexual exploitation of children.
Ito ang kinumpirma ng International Justice Mission Philippines at Inter-Agency Council Against Trafficking.
Ang kaso ay nag-ugat sa operasyon at imbestigasyon ng NBI at IACAT sa dalawang akusado noong Marso 2015.
Sa desisyon ng korte, nabatid na seksuwal na inabuso online ng mga akusado ang dalawang menor de edad na babae na 17 years old at 7 years old.
Dahil dito, hinatulang guilty ang mga akusado ng dalawang counts ng Qualified Trafficking in Persons at pinatawan ng parusang lifetime imprisonment at multang Php 3,000,000.
Bukod dito, napatunayan ding guilty ang dalawa sa dalawang counts ng child pornography.
Mga parusang reclusion perpetua at multang
Php1,000,000 ang ipinataw sa mga akusado.
Sa lahat ng apat na convictions, inatasan din ang mga ito ng korte na magbayad ng moral damages sa bawat biktima ng Php 500,000 maliban pa sa Php 100,000 exemplary damages.
Hindi na tinukoy ang pangalan ng mga akusado para maprotektahan ang pagkakakilanlan ng mga batang biktima.
Moira Encina