Dalawang Indian at isang Pinay, arestado ng NBI dahil sa pagbebenta ng iligal na droga na pinapalabas na herbal medicine at ng Anti-Rabies vaccine na dapat sa India lamang ibinibenta

Timbog ng NBI sa isang entrapment operation ang dalawang Indian at isang Pinay dahil sa pagbebenta ng iligal na droga na pinapalabas na herbal medicine at ng anti-rabies vaccine na dapat sa India lamang ibinibenta.

Tinukoy ang mga suspek na sina Kumar Sunil Motumal at Chutani Rakhi Darbala na mga Indian national at Pinay na si Mary Chris P. Mabini

Unang nakatanggap ang NBI ng ulat na mayroong tindahan sa Paco, Maynila na nagbebenta ng iligal na droga sa pamamagitan ng cellphone na nasa kahong may label na   “KAMINI VIDRAWAN RAS” at  “For Sale in India Only.”

Nagsagawa ng test-buy ang mga tauhan ng NBI sa tindahan ng mga suspek sa Paco, Maynila na ANMOL INDIAN GENERAL MERCHANDISE kung saan nakabili dalawang kahon ng selyadong gold box na nakasaad ang mga nasabing label.

Sa pagsusuri ng NBI-Forensic Chemistry Division sa laman ng kahon, lumabas na positibo ito sa presensya ng iligal na droga.

Dahil dito, ikinasa ng NBI Cybercrime Division ang entrapment operation kung saan nakumpiska pitong selyadong gold box na nagpositibo sa opium at morphine.

Nasabat din ng NBI ang mga kahong may label na “Rabipur”  na bakuna kontra rabies at ibinebenta lamang dapat sa India.

Bigo naman ang suspek na makapagprisinta ng sertipikasyon mula sa FDA para sa nasabing bakuna

Kinasuhan na ang tatlo sa Manila Prosecutors Office nang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Cybercrime Prevention Act of 2009 at Food and Drug Administration Act of 2009.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *