Dalawang Koreanong pugante na wanted sa mga kasong fraud at tax evasion sa South Korea, timbog ng Bureau of Immigration
Arestado ng Bureau of Immigration sa magkahiwalay na operasyon ang dalawang puganteng Koreano na wanted ng mga otoridad sa Seoul.
Kinilala ng BI ang mga ito na si Nam Sangmin, 39 anyos na naaresto sa Angeles City, Pampanga at si Ha Que Back, 45 anyos sa Tuguegarao City, Cagayan.
Si Ha ay wanted sa kasong tax evasion habang si Nam ay wanted sa kasong fraud.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kinansela na ng Korean government ang pasaporte ng dalawa.
Nasa red notice ng Interpol ang dalawang Koreano dahil sa arrest warrant laban sa mga ito ng mga korte sa Korean.
Ipapadeport ng BI pabalik ng South Korea ang mga pugante dahil sa pagiging undesirable at undocumented alien.
Ulat ni Moira Encina