Dalawang lindol, tumama sa isla ng Crete sa Greece
ATHENS, Greece (AFP) — Dalawang moderate earthquakes na may magnitude na higit sa 5.0, ang tumama sa Greek island ng Crete subalit wala namang napaulat na pinsala o nasawi.
Ayon sa Athens Geodynamic Institute, ang unang pagyanig na may 5.1 magnitude ay tumama bandang 4:11ng madaling araw (oras sa Crete), nasa 47 kilometro sa hilagangsilangan ng siyudad ng Sitia.
Ang ikalawang lindol na may magnitude of 5.2, ay tumama sa kaparehong lokasyon, makalipas ang tatlong oras sa ganap na 7:11ng umaga.
Ang Greece ay madaling tamaan ng mga lindol, kung saan karamihan ay sa mga baybayin.
Ang pinakahuling mapaminsalang lindol ay nangyari sa isla ng Kos sa Aegean Sea noong July 2017. Dalawa katao ang nasawi bunga ng 6.7-magnitude na lindol.
Ang pinakamapaminsala naman sa mga nakalipas na taon ay nangyari noong 1999 sa rehiyon ng Athens, na ikinamatay ng 143 katao.
© Agence France-Presse