Dalawang lungsod sa Negros Occidental nakakuha ng parangal sa Green Destinations Awards sa ITB Berlin 2023
Kinilala ang dalawang lungsod sa Negros Occidental sa prestihiyosong Green Destinations Awards sa Internationale Tourismus-Börse (ITB) 2023 Convention sa Berlin, Germany.
Ayon sa Department of Tourism (DOT), nakuha ng Sagay City ang People’s Choice Award at pangalawa sa Nature and Scenery Category sa pambato nito na “Mangrove Forest Protection through Community-based EcoTourism Project.”
Sinabi ng DOT na ang Suyac Island Mangrove Ecopark na matatagpuan sa Sagay Marine Reserve ay ang unang fully community-based ecotourism site sa Sagay.
Nasungkit naman ng Bago City ang ikatlong patimpalak sa Environment and Climate Category para sa “Reviving the Majestic Diversity of Bago Watershed”entry nito.
Ayon sa kagawaran, ang Bago City Watershed ay may mahalagang papel sa pagpapatakbo sa ekonomiya ng Negros Occidental dahil sa pag-suplay ng tubig sa 19,000 ektarya ng agricultural areas.
Moira Encina