Dalawang magkasunod na sunog naganap sa Cainta, Rizal

Dalawang magkahiwalay ma sunog ang naganap kaninang umaga sa Cainta, Rizal.

Ito ay sa Brgy San Juan at ang isa naman ay sa Brgy Sto Domingo.

Nagsimula ang sunog sa Brgy San Juan, Cainta floodway dakong 9:30 ng umaga.

Tinupok ng apoy ang ilang mga kabahayan na karamihan ay gawa sa light materials.

Ayon sa Deputy Fire Volunteer Officer ng Brgy. San Andres, Cainta na syang first responder, na si  Danny Marquez. umabot lang sa first alarm ang nasabing sunog.

Sinabi  naman sa kanilang mga nakausap na residente ay dahil umano sa isang bata na naglalaro ng posporo sa bahay ng nagngagalang Reynaldo.

Samantala habang inaapula ng mga bumbero ang apoy ay may natanggap na tawag mula sa two way radio nito na isa pang sunog sa Marick Brgy Sto Domingo Cainta, Rizal.

Agad na rumesponde ang ilang bumbero sa nasabing brgy, isang bahay ang nasunog at kabutihang palad ay hindi ito tuluyang lumaki dahil na rin sa alisto ang mga residente at agad naapula ang apoy. napag alaman naman na ang sanhi ng sunog ay dahil sa overloaded na kuryente.

 

Ulat ni Tantan Alcantara

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *