Dalawang magnitude 4.2 na lindol tumama sa Davao Occidental
Dalawang magnitude 4.2 na lindol ang yumanig sa Davao Occidental.
Naramdaman ang unang lindol 58 kilometers Southeast ng Caraga town bandang alas onse ng umaga.
Naramdaman naman ang ikalawang pagyanig dakong alas tres ng hapon, 40 kilometers Southeast ng Caraga.
Ayon sa PHIVOLCS, wala namang naging pinsala sa nangyaring lindol.
Wala ring aftershocks na naramdaman matapos ang dalawang lindol.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo
Please follow and like us: