Dalawang malalaking syudad sa Fiji ini-lockdown matapos makapagtala ng community transmission
SUVA, Fiji (AFP) — Isinailalim sa lockdown ang dalawa sa pinakamalaking syudad sa Fiji, matapos maitala ang unang kaso ng COVID-19 community transmission sa loob ng 12 buwan.
Ayon sa health authorities, ito ay isang 53 anyos na babae na nagkaroon ng close contact sa isang sundalong nahawaan ng virus sa isang quarantine facility sa Nadi.
Sa pahayag ng health department . . . “To aid rapid contact tracing and reduce the likelihood of further transmission, we are announcing a lockdown of the greater Nadi and Lautoka area, starting from 4:00am this morning.”
Naging matagumpay ang Fiji sa pagpigil sa virus sa pamamagitan ng pagpapatupad sa mahigpit na isolation measures at border controls, kung saan nakapagtala lamang sila ng wala pang 100 kaso at dalawa lamang ang namatay, mula sa 930 populasyon nila.
Samantala, ang higit 330 katao na nagkaroon ng kontak sa nasabing babae ay isinailalim na sa isolation, at ang pulisya naman ay nagpatupad nan g 24-oras na curfew sa Lautoka at Nadi.
Ang mga nasa labas naman ng lockdown areas ay pinayuhang manatili sa bahay, at ang mga paaralan at negosyo ay sarado rin.
Ayon sa health department . . . “All Fijians should stay home. Public gatherings should not happen. No services should run except for essential medical services.”
Ang Lautoka ang ikalawang pinakamalaking syudad sa Fiji, habang ang Nadi naman ay ang international tourist hub ng bansa, bago isinara ang borders noong isang taon dahil sa pandemya.
Ang latest outbreak ay dagok sa pag-asa ng Fiji na makapagbukas na ng quarantine-free travel bubbles sa Australia at New Zealand, na siyang pinanggagalingan ng karamihan sa kanilang international visitors.
Ang Australia at New Zealand, ay nagbukas nan g isang trans-Tasman bubble, na nagpapahintulot sa quarantine-free travel between sa pagitan g 2 bansa..
© Agence France-Presse