Dalawang palapag na bahay sa Mariveles, Bataan, nasunog
Nagkagulo ang mga residente nang masunog ang ang isang bahay na may dalawang palapag na gawa sa light materials at maabo ang lahat ng ari-arian at kasamang nasunog ang sari-sari store at maliit na bodega ng softdrink sa may Echivaria St. Upper Llaya Brgy. Poblacion sa Mariveles, Bataan.
Ayon sa mga residenteng nakasaksi nagsimula ang apoy sa isang kuwarto na pinapaupahan ng may ari at dahil may kalumaan na ang bahay at gawa ito sa light materials kaya ilang saglit pa ay nagliyab na ang buong kabahayan at masuwerte namang nakalabas ng bahay ang mga tao sa loob kabilang na ang tatlong bata na edad kinse, dose at dalawang taon gulang.
Sinabi ni Lorna Batulayan may ari ng bahay, mayroon siyang dalawang kuwarto na paupahan na kong saan itinuturo na nagsimula ang apoy.
Ayon naman sa anak nitong si Renz Batulayan sinubukan niya pang isalba ang mga kagamitan subalit mabilis na kumalat ang apoy at kasamang natupok ng apoy ang kanilang bodega ng softdrink kung saan tanging ang aso nila na may lahing Belgium ang nakaligtas sa sunog nang marescue ng mga bombero habang nasusunog ang bahay.
Agad namang rumisponde ang bureau of Fire and Protection ng Mariveles at nagamit ang tatlong firetruck ng mga bombero,rumisponde rin ang isang firetruck ng mariveles freeport area of bataan.mahigit dalawang pung bombero naman ang tumulong sa pag-apula ng apoy.
Bandang alas nueve ng gabi nagsimula ang sunog at 10:45pm na ng gabi idineklarang fireout ang sunog.
Wala namang napaulat na nasaktan sa nasabing insidente at patuloy namang inaalam ng BFP ang halagang tinupok ng apoy at kong ano ang pinagmulan ng sunog.
Ulat ni Larry Biscocho