Dalawang pisong taas-pasahe sa Jeep, inihirit sa LTFRB
Humihirit ng dagdag-singil ang ilang operators ng pampasaherong jeepney sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ang mga petitioner ay iba’t- ibang operator na sumunod sa modernization program ng pamahalan.
Sa walong pahinang petisyon, dalawang piso ang hirit nilang pagtaas sa singil sa pamasahe.
Para sa non-aircon jeepney, mula sa 8 pesos ay nais nilang maging p10 na ang minimum na pamasahe sa unang apat na kilometro.
Dalawang pisong dagdag sa kada kilometro, mula sa kasalukuyang 1.50 at may dagdag pang piso sa pamasahe kapag rush hour.
Kung aircon jeepney naman, mula sa p10 ay inihihirit na itaas na sa 12 piso ang minimum na pamasahe sa unang apat na kilometro.
Hiling pa ng mga operator na magkaroon ng provisional increase sa minimum na pamasahe na piso, habang nakabibin ang petisyon sa LTFRB.
==========