Dalawang Pulis-Caloocan na akusado sa pagpatay kina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman, naghain ng not guilty plea
Naghain ng not guilty plea sa Korte Suprema ang dalawang Pulis-Caloocan na akusado sa pagpaslang sa mga binatilyong sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman.
Sumalang sa arraignment sa branch 122 ng Caloocan Regional trial court sina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita kaugnay sa mga kasong kriminal na isinampa laban sa kanila ng DOJ.
Ang dalawa ay nahaharap sa mga kasong murder, torture at planting of drugs at firearms.
Kaugnay nito, itinakda ni Branch 122 Judge Georgina Hidalgo ang pre-trial ng kaso sa February 12, 19 at 27 para determinahin ang bilang ng mga testigong ipapatawag at mga dokumentong ipiprisinta ng prosekusyon at depensa sa paglilitis.
Wala pang inilabas na commitment order ang Korte kung saan ikukulong ang dalawang pulis.
Una nang hiniling ng kampo nina Perez at Arquilita sa Camp Bagong diwa sa Taguig City sila ikulong para sa kanilang seguridad dahil marami sa kanilang mga hinuli ay nakakulong sa Caloocan city jail.
Ulat ni Moira Encina
=== end ===