Dalawang Pulis-Caloocan na sangkot sa pagkamatay ni Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman, kinasuhan na ng DOJ sa Korte
Kinasuhan na ng Department of Justice o DOJ sa Caloocan City Regional trial court ang 2 pulis na sangkot sa pagkamatay ng mga teenager na sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “kulot” de Guzman.
Sa 35 pahinang resolusyon ng DOJ, nakitaan ng probable cause para sampahan ng kasong murder ang mga pulis -caloocan na sina PO1 Jeffrey Perez at Ricky Arquilita.
Ipinagharap din sila ng kasong torture at planting of evidence sa ilalim ng Section 29 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Samantala, ibinasura naman ang kaso laban sa taxi driver na si Tomas Bagcal dahil sa kawalan ng probable cause.
Ulat ni Moira Encina
=== end ===