Dalawang pulis na ipina contempt ng Senado itinurn over na sa PNP
Nailipat na sa kustodiya ng Philippine National Police ang dalawang pulis na cite for contempt ng Senado.
Ayon kay Senador Ronald Bato Dela Rosa, Chairman ng Senate Committee On Public order and Dangerous Drugs, na iturn over na sa PNP sina PMSGT Jerwin Rebusora at Lorenzo Catarata ng PDEG noong biyernes.
Ito ay upang maipursige ng PNP ang kaso laban sa kanila kaugnay ng ginawang pagnanakaw sa 42 kilo ng Shabu na bahagi ng ebidensya na laban sa kapwa Pulis na si Sgt. Rodolfo Mayo Jr., na nahulihan naman ng 996 kilos ng shabu sa Tondo, Manila.
Sinabi ni De la Rosa, na kinausap niya sina Rebusura at Catarata at nanindigan na wala silang kinalaman sa pagkawala ng shabu
Biktima lang umano sila ng Frame up ng kanilang mga opisyal sa PNP.
Kaya’t hiningi nito mula sa Special Investigation Task Group o SITG na laliman pa ang imbestigasyon sa kaso ng dalawang Pulis.
Panawagan ni De La Rosa kay PNP Chief Gen Rodolfo Azurin Jr., bago siya magretiro sa serbisyo sa April 24, 2023 ay resolbahin niya ang kaso nina Rebusura at Catarata at iba pang itinuturing na mga Ninja Cops.
Matatandaan na na-cite for contempt ang dalawang Pulis sa Hearing ng Senate Comm on Public Order and Dangerous Drugs sa Motion ni Senador Raffy Tulfo nang itanggi ng mga ito na sila ay sangkot sa pagnanakaw sa 42 kilo ng shabu kahit pa matibay umano ang ebidensya ng SITG laban sa kanila.
Meanne Corvera