Dalawang pulis sa London biktima ng pananaksak
Dalawang pulis sa Leicester Square sa central London ang na-ospital makaraang saksakin ng isang lalaki.
Ayon sa Metropolitan Police (Met), ang lalaking salarin ay inaresto sa hinalang malubha nitong pininsala at sinaktan ang isang emergency worker.
Ang Leicester Square na isang mataong lugar, ay wala pang isang milya mula sa lugar kung saan nakalagak ang kabaong ni Queen Elizabeth II.
Gayunman batay sa pahayag ng Met, ang insidente ng pananaksak ay hindi itinuturing na may kaugnayan sa terorismo, habang ang dalawang nasaksak na pulis ay ginagamot na at hinihintay na lamang nila ang update tungkol sa kondisyon ng mga ito, at nagpapatuloy rin ang imbestigasyon sa mga sirkumstansiya kaugnay ng insidente.
Libu-libong mga pulis mula sa magkabilang panig ng bansa ang itinalaga sa London, habang 1,500 army personnel naman ang naka-standby upang tumulong sa pagkontrol sa mga tao at mangalaga sa seguridad bunsod na rin ng libo-libong kataong nakapila para sumilip sa kabaong ng reyna.
Sinabi naman ni London mayor Sadiq Khan, “The attack on the officers are ‘utterly appalling.’ These brave officers were doing their duty and assisting the public at this momentous time for our country. We owe them a huge debt of gratitude.”
Dagdag pa nito, mahigpit din siyang nakikipag-ugnayan kay bagong Met Commissioner Mark Rowley na noong Lunes lamang naupo sa puwesto.
© Agence France-Presse