Dalawang sama ng panahon, binabantayan ng PAGASA
Binabantayan ng PAGASA ang dalawang weather system na malapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA isang Tropical Cyclone na may international name na Talim ay huling namataan sa layong 1,885 km silangan ng Luzon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kph at pagbugsong 80 kph.
Kumikilos ito pa-west north-west sa bilis na 25 kph at kung makapasok sa PAR ay papangalanang bagyong Lani.
Posible umano itong pumasok sa teritoryo ng Pilipinas bukas at maaaring apektuhan ang extreme Northern Luzon.
Samantala, namataan naman ang isang pang sama ng panahon at isang Low Pressure Area (LPA) malapit sa Pilipinas.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 745 kilometers sa hilagang Silangan ng Borongan City sa Eastern Samar.
Pero ayon sa PAGASA, malabo na itong mabuong bagyo at magsisilbi na lamang na extension ng bagyong Talim.