Dalawang Senador, naghain ng Resolusyon para sa pagpapatawag ng Constituent Assembly
Nais ng ilang Senador na kaalyado ng Administrasyon na mag-convene ang Kongreso bilang Constituent Assembly para maamyendahan ang ilang probisyon ng Saligang Batas.
Sa harap ito ng umano’y plano ng mga Kongresista na ituloy ang mga pagdinig sa Charter Change na humihiling na baguhin ang ilang Economic Provision ng 1987 Constitution.
Sa Resolusyon na inihain nina Senators Ronald Dela Rosa at Francis Tolentino, nais nilang mag-convene ang Kamara at Senado para amyendahan ang Democratic representation at Economic provisions.
Paliwanag ng mga Senador, kailangan na anilang amyendahan ang 33 taon nang Konstitusyon para makabangon ang ekonomiya lalu na ngayong may nararanasang Pandemya.
July 2019 matatandaang naghain rin ng kaparehong resolusyon si Senador Sherwin Gatchalian.
Hindi gaya sa resolusyon nina Dela Rosa at Tolentino na walang malinaw na amendments, sa resolusyon ni Gatchalian ay pinaaamyendahan nito ang Articles 12, 14 at 16 ng Saligang Batas.
Ito’y para luwagan ang restrictions sa foreign ownership ng mga Korporasyon, Public utilities, Educational institutions at Mass media.
Meanne Corvera