Dalawang senador naghain ng resolusyon para sa pagpapatawag ng constituent assembly
Nais rin ng ilang Senador na kaalyado ng administrasyon na magconvene ang Kongreso bilang constituent assembly para maamyendahan ang ilang probisyon ng saligang batas.
Sa harap ito ng umano’y plano ng mga kongresista na ituloy ang mga pagdinig sa Charter Change na humihiling na baguhin ang ilang Economic provision ng 1987 constitution.
Sa resolusyon na inihain nina Senators Ronald Dela rosa at Francis Tolentino,nais nilang mag convene ang Kamara at Senado para amyendahan ang democratic representation at economic provisions.
Paliwanag ng mga Senador kailangan na raw amyendahan ang tatlumput tatlong taon nang konstitusyon para makabangon ang ekonomiya lalo na ngayong may nararanasang pandemya .
Meanne Corvera