Dalawang supply boat ng Pilipinas , hinarang ng China sa Ayungin shoal
Binomba ng mga tauhan ng chinese coastguard ang mga barko ng Pilipinas sa ayungin shoal.
Ayon kay National security adviser Hermogenes Esperon, Jr. November 16 ng gabi ng harangin ng tatlong barko ng Chinese coastguard ang supply boat ng Pilipinas tsaka binomba ng tubig na tumagal ng isang oras
Magdadala sana ng pagkain at iba pang suplay ang naturang bangka sa mga sundalo at iba pang pwersa ng pilipinas na nasa ayungin shoal subalit dahil sa insidente napilitang umatras ang dalawang supply boat ng bansa.
Kinondena ni Esperon ang nangyaring pag-atake sa tropa ng pilipinas gayung ito ay teritoryong bahagi ng exclusive economic zone ng bansa .
Sinabi naman ni Foreign affairs secretary Teddy Locsin Jr. ipinarating niya na ang pagkondena kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at kaniyang counterpart sa beijing ang pangyayari.
Ipinaalala niya na ang public vessel ay sakop ng mutual defense treaty kaya iligal ang anumang aksyon ng chinese coastguard.
Wala rin aniyang karapatan ang mga ito sa lugar at kailangan na silang lumayas sa teritoryo ng pilipinas.
Meanne Corvera