Dalawang tornado tumama sa China
BEIJING, China (AFP) – Hindi bababa sa sampu ang nasawi habang higit 300 naman ang nasaktan, nang tamaan ng dalawang tornado ang central at eastern China.
Higit 100 kilometro bawat oras, ang napakalakas na hanging humagupit sa central city ng Wuhan kagabi.
Ayon sa mga awtoridad, anim katao ang namatay at higit 200 ang nasaktan, habang 30 mga bahay naman ang gumuho.
Ang mga sasakyan ay winasak ng nahuhulog na mga bagay, nabunot ang mga puno, bahagyang nasira ang mga gusali, at nalaglag ang linya ng mga kuryente, sanhi para mawalan ng suplay ang 26,000 na libong mga bahay.
Ang malakas na hangin ay sumira rin ng dalawang construction cranes, kung saan ang isa ay bumagsak sa construction site na sanhi ng malubhang pinsala.
Samantala, sa Suzhou, malapit sa Shanghai, ay tumama ang isa pang tornado na may hanging higit 200 kilometro bawat oras.
Sa ulat ng mga lokal na awtoridad, apat ang nasawi habang may isang nawawala.
Sa mga unang bahagi ng buwang ito, labing-isa katao ang nasawi bunsod ng isang windstorm sa ibang bayan na malapit din sa Shanghai.
@ Agence France-Presse