Dalawng LPA, namataan sa loob at labas ng Pilipinas
Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services o Pag-Asa ang dalawang low pressure area o LPA sa loob at labas ng Philippine area of responsibility o PAR.
Ayon sa Pag-Asa, ang LPA na nasa loob ng bansa ay huling namataan sa layong 505 kilometro Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Maliit ang tsansa na maging bagyo ang nasabing LPA.
Samantala isa pang LPA ang binabantayan ng Pag-Asa na nasa labas pa ng bansa.
Huli itong namataan sa kayong 2,490 kilometrong Silangan ng Mindanao.
Ayon sa Pag-Asa, mataas ang tsansa na maging ganap na bagyo ang nasabing LPA kaya patuloy itong imomonitor ng weather bureau.
Sa sandaling pumasok ito ng bansa at magign isang ganap na bagyo ay papangalanan itong “Basyang”.
=== end ===