Dalian trains na binili ng Aquino administration, hindi na mapapakinabangan
Pinadalhan na ng Department of Transportation ng notice ang Busan Universal Rails Incorporated o BURI ang maintenance provider ng MRT para ayusin ang kanilang serbisyo pero may rekomendasyon na sila para tuluyang ibasura ang maintenance contract.
Pero kahit mapalitan pa ang maintenance provider, matatagalan pa bago maresolba ang siksikan at makatikim ng ginhawa ang mga mananakay.
Sa pagdinig ng Senado, inamin ng mga opisyal na kailangang isauli sa China ang 48 na bagon na nagkakahalaga ng 3.8 billion pesos na binili noong Aquino administration
Bukod sa walang signaling system, hindi uuba ang mga tren dahil hindi ito tugma sa riles.
Ilan sa mga pinag-aaralang solusyon ngayon ng DOTR ang buy out sa MRT.
Batay sa kontrata, maaring umabot sa 620 kilometers ang maidadagdag sa riles bago matapos ang Duterte administration.
Pero apela ng Senado, sana madaliin ang proseso dahil habang walang ginagawang aksyon sa MRT, nasa balag ng alanganin ang buhay ng mga pasahero.
Ulat ni: Mean Corvera