Dallas shows ni Elton John ipinagpaliban matapos itong magpositibo sa COVID-19
Ipinagpaliban ng Pop megastar na si Elton John ang dalawa niyang concerts sa Dallas na bahagi ng inaasahang lengthy farewell tour, matapos niyang magpositibo sa Covid-19.
Ayon sa 74-anyos na British musician, bagama’t isang malaking dissapointment na ilipat ang petsa ng kaniyang shows at humingi na rin ng paumanhin ukol dito, prayoridad nya ang kaligtasan ng lahat ng involve sa kanyang concerts.
Mabuti na lamang aniya at fully vaccinated na siya at nakatanggap na rin ng booster, at mild lamang ang nararanasang sintomas.
Ang dalawang ipinagpalibang concerts na bahagi ng “Farewell Yellow Brick Road” tour ni John ay naka-schedule para sa January 25 at 26.
Ayon kay John at sa American Airlines Center kung saan gaganapin ang konsierto, ire-reschedule ito kaya dapat itabi ng fans ang nabili nilang tiket.
Ang concert tours na inaasahang magiging huling tour ni Elton John, ay ilang ulit na ring naantala at nakansela gaya ng iba pang performing arts events, bunsod ng pandemya.