Daloy ng suplay ng kuryente sa Pilipinas, kontrolado ng China – Kamara
Ibinuko ng Kamara na ang daloy ng suplay ng kuryente sa bansa ay kontrolado ng China.
Ito ang ibinunyag ni Albay Congressman Joey Salceda, Chairman ng House Committee on Ways and Means sa ginagawang pagdinig para repasuhin ang prangkisa na ipinagkaloob ng Kongreso sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Sinabi ni Salceda na batay sa record, ang mismong chairman ng NGCP na si Zhu Guangchao na isang Chinese National, kasama ang tatlo pang Chinese na miyembro ng board of directors ay tahasang paglabag sa batas.
Inihayag ni Salceda na dahil sa mga natuklasang paglabag sa management structure ng NGCP, ay maaaring amyendahan ng Kongreso ang prangkisa ng NGCP.
Ang NGCP katulong ang transmission company o TransCo, ang namamahala sa distribution ng daloy ng kuryente mula sa mga electric power plant patungo sa power distributors sa iba’t ibang panig ng bansa.
Vic Somintac