Dapat gawin ng isang diabetiko kapag nagkakasakit
Kumusta mga kapitbahay?
Mayroon bang may diabetes sa pamilya o kakilala ninyo?
Tamang-tama itong ibabahaging impormasyon ni Dr. Irma Antonio-Pilar, Internist/Endocrinologist.
Ang sabi niya, siyempre kahit na anong ingat natin sa sarili talagang dumarating na nagkakasakit tayo, diabetic ka man o hindi.
Ngayon, ano ba ang dapat gawin ng isang diabetiko kung siya ay nagkakasakit ?
Teka, ano ba ang response ng katawan kapag maysakit ang isang diabetic?
Ang response ay nagpoproduce ng hormone kung saan nakakakapag-trigger na magrelease ng glucose sa katawan.
Kaya karaniwan, tumataas ang asukal sa dugo ng pasyenteng may diabetes.
Lalo na sa panahon nang pagkakasakit o stressed.
Kaya nga kapag ang pasyente ay na-confine sa hospital talagang tumataas ang blood sugar lalo kung steroids ang kasama sa ibinibigay, sabi ni Doc Irma.
So, isa-isahin natin ang gabay sa mga diabetic kapag nagkakasakit ..
Una, kapag magpapacheck-up sa ospital, dapat ipaalam sa duktor na diabetic ka.
Ito ay para malaman ng duktor ang dapat niyang gawin.
Nagiging malala ang isang sakit ng isang diabetic kung ikukumpara sa isang pangkaraniwang pasyente na hindi diabetic.
Pangalawa, dapat na ituloy ang pag-inom ng gamot .
Either insulin o iniinom na gamot na pang diabetes.
Pangatlo, ang blood sugar ay dapat malaman nang madalas.
Puwedeng every four hours ang kuha ng blood sugar o every 6 hours.
Pang-apat, kailangang magtimbang araw-araw, ito ay para malaman kung masyadong bumabagsak ang timbang ng katawan.
Pang-anim, kailangan ay may thermometer para laging nababantayan ang kung mataas ang lagnat, at dapat ay itinatala ito.
Mga kapitbahay ilan lamang ito sa mga nabanggit ni Doc Irma, sa paalala sa mga diakbetiko na nagkakasakit at sana ay makatulong ang mga impormasyong ito.
Until next time!