Dapat hulihin agad ang mga gumawa ng manipulative na video – Senador Padilla
Dapat ipatikim ang buong pwersa ng batas sa mga nasa likod ng lumabas na ‘deepfake’ video ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ang iginiit ni Senador Robin Padilla kasunod ng kumalat na video kung saan ginamit ang imahe ni pangulong Marcos at pinatungan ng boses na tila nagpapahiwatig ng giyera sa isang bansa.
Binigyang diin ni Padilla na dapat hulihin agad ang mga gumawa ng manipulative na video na ito.
Naniniwala naman si Padilla na hindi kakagatin ng mga sundalo ang pekeng Video na gawa gawa lang ng mga nais magpasikat.
Aniya, hindi naman ganito ang proseso ng pagdedeklara ng digmaan dahil alinsunod sa nakasaad sa konstitusyon ay kailangan rin itong dumaan sa Kongreso.
Meanne Corvera