Dapat Tama ang Nganga
Tungkol sa pagnganga ang usapan natin ngayon. Sa totoo lang, kapag umupo ang pasyente sa dental chair at maliit ang nganga hirap na hirap ang dentista. Iyan man ay pagbubunot ng ngipin, magpapasta, o cleaning man. Basta kapag maliit ang nganga, maya’t maya sasabihin ng dentsita na … pakilakihan po ng nganga! Kung tawagin ang bibig or mouth as human gateway of the body. Kung ang bahay ay may pintuan, meron itong sinusunod na standard height, di ba? Ibig sabihin kapag wala sa standarad height pwedeng mauntog ang papasok sa bahay, mahirap daanan. Ganundin ang bibig, kapag wala sa average na nganga, maraming pwedeng maging problema. Kaya nga ang mouth opening ay may scientific measurement. Ano ngayon ang average na sukat o tamang sukat ng pagnganga? Ganito po para mas madaling maintindihan. Subukan ninyong ipasok ang tatlong daliri sa inyong bibig. Patayo ang mga daliri. Kapag lumangitngit o nahirapan, nangangahulugan na ang ang nganga ay lumiit at hindi na normal.
Between 3-4 fingers dapat ang naipapasok sa bibig. Tandaan na kapag masakit sa panga, ibig sabihin ay hindi normal ang sukat nito. Bakit ba may mga taong maliit ang nganga? Ito ay pwedeng genetic ang dahilan, namana. Maaaring dahil sa malocclusion o mali ang kagat or bite. O di naman kaya ay dahil sa tootwear o pudpod na ang ngipin dahil sa mahilig kumain ng matitigas, maaga kayang nabunutan ng ngipin kaya lumiit ang nganga, dahil maagang nawalan ng tukod. Kahit na nga yung mga luma ng pustiso na hindi nagpapalit, ang tendency ay paliit ng paliit ang nganga. Baka ito naman ang itanong ninyo, meron pa bang paraan para ang maliit na nganga ay maging normal ang sukat? Ang paraan ay pumunta sa isang Functional Dentist, sila ang mga espesyalista sa ganitong mga problema. Dadaan sa therapy, at may isusuot na dental appliance para mapalaki ang nganga at maibalik sa dati o normal na sukat. Taliwas sa paniniwala ng iba na kapag maliit ang nganga ay ‘cute’. Alam n’yo bang mapalad ang mga malalaki ang nganga dahil sila ay mga healthy, kasi maganda ang kanilang airway, maayos ang pagkain, maging ang pananalita. Sa madaling salita, kapag maliit ang nganga, may problema na sa paghinga dahil bitin sa oxygen.