Dapitan Dairy Box, pormal nang binuksan
Pormal nang binuksan ang pasilidad na makatutulong sa hanapbuhay ng mga magsasaka, o sa mga nag-aalaga ng kalabaw.
Ito ang Dapitan Dairy Box na nasa Barangay Dampa, Dapitan City, Zamboanga del Norte.
Ayon kay City Agriculturist Cyril Patangan, unti- unti nang natutupad ang pagpapaunlad sa kanilang apat na letrang C. Ito ay ang cassava, cacao, crabs at carabao na naging dahilan para itayo ang Dapitan Dairy Box, upang dito i-proseso ang mga gatas na makukuha mula sa mga buffalo o kalabaw.
Nagpasalamat naman si Dr. Cecilio Velez ng Philippine Carabao Center sa mga nanunungkulan sa lungsod ng Dapitan, sa pagtulong sa mga magsasaka.
Ipinarating din ni Konsehal Popoy Mah ang mensahe ng alkalde ng lungsod, na nagbigay inspirasyon sa mga magsasaka upang mas lumawak pa ang dairy buffalo production sa lungsod.
Kasamang sumuporta sa nasabing programa ang Schools Division ng Dapitan City sa pamamagitan ni Mr. Germanico Malacat, Mr. Germanico Page, Chairman ng Antipolo Primary Multi-Purpose Agricultural Cooperative o PMAC, maging si Konsehal Bing Balisado, ABC president Felix Tacbaya at iba pa.
Jerome Ladion