DAR at DA, umapila sa mga magsasaka na pag-aralan muna ang mga programa sa ilalim ng Rice Tariffication Law
Umaapila ang Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka na buksan ang kanilang isip at pag aralan mula ang programa sa ilalim ng ipinasang Rice Tarrification Law.
Sa harap ito ng nakaambang mga kilos protesta para harangin ang implementasyon ng batas dahil sa panganib umano ng pagkasira ng kabuhayan ng mga rice farmers.
Pero ayon kay DAR secretary John Castriciones, dapat munang tingnan ng mga magsasaka ang bagong sistema na ang layon lang naman ay mapahusay pa ang buhay ng mga magsasaka.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: