DAR, ilulunsad sa pangalawang pagkakataon ang proyektong “Buhay sa Gulay”
Maglulunsad sa araw na ito ang Department of Agrarian Reform o DAR ng proyektong tinawag na BUHAY SA GULAY.
Isasagawa ang paglulunsad sa pitong ektaryang lupain sa Bagong Silangan, Quezon City.
Nilalayon nito na lalong maitaas ang kamulatan at kamalayan ng mga naninirahan sa kalunsuran ng kahalagahan ng pagsasaka.
Bukod ditto, matulungan ang mga nabibilang sa tinatawag na marginal level na naninirahan sa komunidad na mabawasan ang kahirapan, kagutuman at makatulong sa seguridad sa pagkain.
Sinabi ni DAR Secretary John Castriciones, isa itong self-help start up livelihood project na ditto ay nagsama sama ang ibat ibang ahensya ng pamahalaan upang magbahagi ng kinakailangang gamit para sa nasabing proyekto.
Bukod dito, makapag-alok ng oportunidad upag mabigyan kakayahan ang mga residente sa kalunsuran na makapagtanim ng kanilang mga makakain at mabigyan sila ng mapagkakakitaan.
Binanggit ni Castriciones na ito ang pangalawang pagkakataon na ang proyektong BUHAY SA GULAY ay isasagawa ng DAR.
Nauna na nilang inilunsad ito sa Tondo, Maynila noong Enero 3, 2021,
Kabilang naman sa mga gulay na naani na ng mga nagtanim ay spinach, petchay, kangkong at mustasa.
Ang naturang proyekto ay sa pakikipagtulungan ng local na pamahalaan ng Quezon City na naglalayong matugunan ang food security, food availability at food affordability.
Belle Surara