Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo, itinurong utak sa pagpatay kay Cong. Batocabe

Tinukoy na ng Philippine National Police si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo bilang mastermind sa pagpatay kay dating Ako-Bicol representative Rodel Batocabe at police aide nito na si Rolando Diaz.

Ayon kay PNP Chief Director Gen. Oscar Albayalde, kinasuhan na nila ng double murder at six counts ng multiple frustrated murder si Baldo at mga security aide nito na sina Emmanuel Judabar, Henry Yuson, Rolando Arimado, Emmanuel Roselio, Jaywin Babor at Christopher Naval sa Albay Provincial prosecutors office.

Ang kaso aniya ay batay sa testimonya ng tatlo sa mga suspek na sumuko sa mga otoridad matapos ang sunud-sunod na police operations sa Albay.

Ayon kay Albayalde, boluntaryong nagtungo sa PNP Intelligence group ang isa sa mga suspek na si Emmanuel Judavar at isinalaysay ang nangyaring pagpa plano at pagpatay.

August 2018 pa raw pinagplanuhan ang pagpatay kay Batocabe matapos nitong i-anunsyo sa isang local radio station ang plano nitong pagtakbo bilang alkalde ng Daraga.

Nag-alok raw ang alkalde ng 5 milyong pisong bayad katunayan ay nag down pa ito ng 250,000 pesos.

Tto raw ang ginamit ng grupo pambili ng dalawang motorsiklo at mga baril na ginamit sa pagpatay kay Batocabe.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *