Dasmariñas, Cavite LGU, nagsasagawa ng site inspection sa gumuhong pader ng ginagawang warehouse na ikinamatay ng 3 katao
Inaalam na ng Lokal na Pamahalaan ng Dasmariñas sa Cavite kung nagkaroon ng mga paglabag ang may-ari ng gumuhong pader ng ginagawang warehouse sa Barangay Langkaan 1 na ikinasawi ng 3 katao kabilang ang isang bata.
Ayon kay Cavite Congressman Pidi Barzaga, nagsasagawa sila ngayon ng site inspection sa gumuhong pader para alamin kung may mga naging paglabag ang Polytechnic Manufacturing Incorporated.
Pero sa inisyal na impormasyon ay kumpleto naman aniya ang mga papeles ng kumpanya.
Kahapon sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ulysses ay gumuho ang ginagawang building extension ng factory ng Polytechnique Manufacturing Inc.
Natabunan naman ng gumuhong pader ang ilang construction worker at kanilang pamilya na nakatira sa likod nito.
Nasawi sa insidente ang isang mag-asawa at kanilang 2 taong gulang na anak.
Nadala naman sila sa Pagamutan ng Dasmariñas pero idineklarang dead on arrival.
Ayon kay Barzaga kumilos naman na ang kumpanya para maiayos ang labi ng mga nasawi at nadala na sa kaanak ng mga ito.
Ayon pa kay Barzaga ligtas na rin at nakalabas na ng ospital ang tatlo pang nasugtan sa gumuhong pader.
Madz Moratillo