Database ng mga foreign agreements at treaties ukol sa disaster risk reduction, inilunsad ng DFA
May database na ang bansa ng mga foreign agreements at treaties na may kaugnayan sa disaster risk reduction and management kung saan partido ang Pilipinas.
Inilunsad ng Department of Foreign Affairs sa pamamagitan ng Office of the Civilian Security ang database kaalinsabay ng pagdiriwang sa National Disaster Resilience Month.
Kabilang sa database ang Paris Agreement on climate change, at mga bilateral treaties ng Pilipinas sa Vietnam, Norway, at Thailand.
Sa bawat entry ay may summary ng key points ng kasunduan at naka-link sa kopya ng dokumento.
Ang database ay alinsunod sa National Disaster Risk Reduction and Management Plan (NDRRMP) 2020-2030 na nanawagan sa pagiimbentaryo ng foreign agreements o treaties sa disaster risk reduction kung saan partido ang bansa.
Layunin ng database na matiyak ang compliance sa iba’t ibang kasunduan at mapalakas ang koordinasyon sa mga pangunahing ahensya at
stakeholders sa disaster risk reduction and management.
Moira Encina