Dating budget undersecretary Christopher lloyd Lao na isinasangkot sa umano’y anomalya sa pagbili ng PPE nasa Pilipinas pa – Malakanyang
Walang indikasyon na nakalabas na ng Pilipinas si dating Budget Undersecretary Christopher Lloyd Lao.
Ito ang inihayag ng Malakanyang sa hirit ni Senador Richard Gordon na magpalabas na ng hold departure order laban kay Lao dahil sa tangkang pag-alis ng bansa.
Kinukwestyon si Lao sa imbestigasyon ng Senado dahil sa pagbili ng Department of Budget and Management Procurement Service o DBMPS sa umanoy overpriced na mga personal protective equipment o PPE sa kumpanyang Pharmally Pharmaceuticals na konektado sa negosyanteng Chinese na si Michael Yang na naging economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, nakausap niya ngayong araw sa telepono si Lao at wala namang indikasyon na nakalas na ng bansa.
Sinabi ni Roque napag-usapan nila ni Lao ang price quotation ng mga supplier ng PPE na binili ng gobyerno.
Inihayag ni Roque maari namang gawin ng senado kung ano ang nais na gawin para maobligang dumalo sa imbestigasyon si Lao.
Vic Somintac