Dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno at PCIJ, hinamon ng Malacanang na magsampa ng kaso kung may katibayang may ill-gotten wealth si Pangulong Rodrigo Duterte
Walang ibang dapat ipaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kinukwestiyon ns yaman ng kanyang pamilya.
Ito na pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa sinabi ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na dapat simpleng pamumuhay lang ang ipinapakita ng mga opisyal ng governo, at kung pinaghihinalaang ang kayamanan ng isang opisyal, dapat magpaliwanag ito sa publiko.
Matatandaang naglabas din ng report ang Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ na nagsasabing tumataas ang kita o yaman nina Pangulong Duterte at mga anak niyang sina Davao City Mayor Sarah Duterte at dating Vice Mayor Paolo Duterte habang sila ay tumatagal sa panunungkulan sa gobyerno.
Sinabi ni Panelo nakasaad sa batas na lahat ng opisyal at kawani ng pamahalaan na maghain sila ng Statement of Assets Liabilities and Networth o SALN at nag-comply dito ang pangulo.
Inihayag ni Panelo na hindi naman inoobliga ng batas na ipaliwanag pa ng mga opisyal ang pagtaas ng kanilang kita sa SALN.
Hinamon naman ng Malacanang ang PCIJ at si Sereno na magsampa ng kaso laban sa pamilyang Duterte kung talagang naniniwala sila at may katibayan silang iligal ang nadadagdag sa yaman sa pamilya ng pangulo.
Ulat ni Vic Sominntac
Please follow and like us: