Dating CJ Diosdado Peralta pinangunahan ang online training seminar sa ilang hukom sa bansa
Nagbalik sa Korte Suprema si retired Chief Justice Diosdado Peralta para pangunahan ang online lecture sa ilang hukom sa bansa.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, tinalakay ni Peralta ang 2019 amendments sa Rules of Civil Procedure and Evidence.
Kabilang sa lumahok sa dalawang araw na online training seminar ang mga huwes mula sa first-level courts sa Region III, Region VI, at sa lungsod ng Maynila.
Layunin ng seminar na maging pamilyar ang mga hukom sa mga salient features ng nasabing rules.
Ang mga amyenda sa rules ay target matugunan ang mga isyu ng decongestion sa dockets at ang mga hindi makabuluhang delays sa mga pagdinig para mapabilis ang pagresolba sa mga kaso.
Una nang inihayag ni Chief Justice Alexander Gesmundo na pangunahin sa kanyang tututukan sa kanyang termino ay ang pag-decongest o pagbawas ng mga kasong nakabinbin sa korte.
Ang online lecture ay inorganisa ng SC at ng Philippine Judicial Academy sa pakikipag-ugnayan sa United States Agency for International Development at American Bar Association Rule of Law Initiative.
Moira Encina