Dating Comelec Chairman Bautista, ipina subpoena ng senado
Ipina subpoena na ng senado si dating Comelec chairman Andres Bautista
dahil sa patuloy na pang-iisnab sa imbestigasyon ng committee on
banks.
Kaugnay ito ng mga kinukwetsyong umanoy ill gotten wealth ni Bautista
batay na rin sa alegasyon ng kaniyang asawa na si Patricia.
Sa inilabas na subpoena na senado, pinasisipot si Bautista sa susunod
na pagdinig sa February 12.
Banta ng chairman ng komite na si Senador Francis Escudero, maaring
ipa contempt at ipaaresto si Bautista kung patuloy itong magmamatigas.
Inatasan na rin ng senado ang Bureau of Immigration na isumite ang
travel information ni Bautista mula noong August 1, 2017 hanggang sa
kasalukuyan.
Ulat ni Meanne Corvera