Dating commander ng Sulu Task Force, uupo bilang commander ng Westmincom
Inaasahang uupo ng ang bagong commander ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command o Westmincom ngayong darating na Biyernes matapos mag-retiro ang Commander ng Westmincom na na si Lt. Col. Arnel dela Vega.
Papalit kay Dela Vega ang dating commander ng Sulu Task Force na si Major General Cirilito Sobejana bilang bagong pinuno ng puwersa militar sa mga lugar na sakop ng Westmincom kabilang ang Bangsamoro Autonomous region.
Si Sobejana ang kasalukuyang namumuno sa 6th Infantry division na nkkabase sa Awang, Cotabato na naging susi sa mga tagumpay ng opensibang militar laban sa Maute at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF na naging banta noon sa buhay at kabuhayan ng mga kababayan natin sa Central Mindanao.
Naniniwala naman ang mga kababayan dito sa dulong bahagi ng dulo ng bansa na matutugunan si Sobejana ang pagpapanatili sa kaayusan at katahimikan sa mga lugar dito sa Mindanao partikular ang probinsya ng Sulu na naging balwarte ng teroristang Abu Sayyaf.
Ulat ni Ely Dumaboc