Dating Congresswoman Mitch Cajayon, absuwelto sa kasong graft
Absuwelto na sa graft case si dating Caloocan city second district Congresswoman Mitch Cajayon-Uy.
Sa 92-pahinang desisyon ng Sandiganbayan second division, acquitted si Cajayon sa kasong 2 counts of graft na may kinalaman sa Malversation of Public Funds at Falsification of Public documents.
Idinawit ang dating mambabatas sa umano’y maling paggamit ng 10 milyong pisong pondo mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong 2009 nang siya pa ay Kongresista ng Caloocan.
Sa isang press conference, naiyak ang dating mambabatas dahil sa loob ng halos anim na taon ay labis na naapektuhan ang kaniyang pamilya lalu na ang kaniyang 2 anak na pawang menor de edad.
Ikinatuwa niya ang patas na desisyon ng anti-graft court na nagbase lamang sa mga ipinrisintang ebidensiya.
Giit niya vindicated na siya sa isang political persecution na inihain laban sa kaniya noong 2015 sa ilalim ng Aquino administration.
Earlo Bringas