Dating Customs Comm. Faeldon, ipinasubpoena na ng Senado
Ipinasubpoena na ng Senado si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon matapos muling isnabin ang pagdnig ng Senado sa nangyaring smuggling ng shabu na nagkakahalaga ng 6.4 billion pesos.
Ito na ang ikalawang beses na hindi sumipot si Faeldon sa imbestigasyon ng Senado.
Iginiit ni Senador Richard Gordon,Chairman ng Blue Ribbon Committee na hindi maaring hindi sumipot si Faeldon dahil sa panahon nito nangyari ang pagpupuslit ng mahigit animnaraang kilo ng shabu mula sa China.
Noong nakaraang linggo, hindi rin sumipot si Faeldon sa Senado matapos ang alegasyon ni Senador Panfilo Lacson hinggil sa pagtanggap nito ng bribe money sa lahat ng kargamento na dumadaan sa Customs.
Ulat ni: Mean Corvera