Dating Customs Comm. Faeldon, pasasampahan ng criminal at administrative case ng House Committee on Dangerous Drugs

Pasasampahan ng kasong kriminal at administratibo ng House Committee on Dangerous Drugs ang si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon at iba pang opisyal ng Bureau of Customs.

Ayon sachairman ng nasabing komite na si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers natukoy nila na mayroong “tara system” sa loob ng BOC.

Ito rin ang posibleng dahilan para sa pagsasampa nila ng mga kaso laban sa mga opisyal ng nasabing ahensya.

Nabatid na nagpulong ang naturang komite para pag-aralan ang draft committee report sa imbestigasyon na kanilang inilunsad hinggil sa nakalusot na P6.4 billion halaga ng shabu.

Ayon kay Barbers, sasampahan nila ng criminal complaint sa Office of the Ombudsman si Faeldon dahil sa paglabag nito sa Section 3 ng Anti-Graft and Corrupt Practices.

Kanila ring irerekominda sa Department of Justice ang pagsasampa ng kasong falsification of documents laban sa chief of staff ni Faeldon na si Atty. Mandy Anderson.

May kaugnayan naman ito sa paglalagda ni Anderson sa time record ng mga atletang kinuha ng BOC.

Bukod dito, irerekominda rin nila sa Philippine Drug Enforcement Agency ang paghahain ng reklamo laban kina Atty. Dennis Siyhian at Atty. Catherine Nolasco, mga imbestigador mula sa National Bureau of Investigation Anti-Organized Transnational Crime Division.

Ito ay matapos na bigong mai-turn over ng dalawa ang 500 kilo ng shabu sa kustodiya ng PDEA.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *