dating Customs Commisioner Faeldon posibleng maharap sa parusang bitay kung umiiral na ang death penalty sa bansa

Posibleng maharap sa parusang bitay si dating Customs Commisioner Nicanor Faeldon dahil sa umano’y pagtatanim ng ebidensya sa isinagawang raid sa warehouse sa Valenzuela City kung saan narekober ang 6.4 billion pesos na halaga ng shabu shipment.

Ito ay kung umiiral na ang death penalty sa bansa at mapatunayang guilty sa nasabing kaso ang dating BOC Chief.

Ayon kay Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, sa kanilang isinagawang imbestigasyon lumitaw na iniutos ni Faeldon ang pagdadala ng 100 kilo ng shabu sa isang warehouse kung saan nahuli ang caretaker na si fFdel Anoche Dy.

Bukod sa planting of evidence lumabag din si Faeldon sa regulasyon ng Dangerous Drugs Board at chain of custody ng mga ebidensya kaugnay ng 6.4 billion pesos na halaga ng shabu na lumusot sa Aduwana.

Hindi naman isinantabi ng kongresista ang posibilidad na irekomenda nilang buwagin na ang BOC dahil sa kontrobersiya.

Pero kailangan pa aniya itong pag-aralang mabuti bago isakatuparan para makita ang epekto nito lalo’t isa ang BOC sa pinagkukunan ng pondo ng gobyerno.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *