Dating Customs Commissioner Isidro Lapeña hindi kukonsentihin ng Malacañang sa kasong graft

Tiniyak ng Malacañang na mananagot sa batas ang sinumang opisyal ng pamahalaan na may kasong korapsyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na walang kaibigan at kalaban kung ang pag-uusapan ay kaso ng katiwalian.

Ayon kay Panelo ang rekomendasyon ng National Bureau of Investigation o NBI sa Department of Justice o DOJ na sampahan ng kasong graft si dating Customs Commissioner at ngayon ay TESDA Director General Isidro Lapeña ay kahayagan lamang na walang sinisino ang Duterte administration sa kampanya laban sa korapsyon.

Inihayag ni Panelo hanggat hindi napatitibayan ang akusasyon kay lapeña sa ilalim ng due process itinuturing parin siyang inosente.

No one, friends or political foes alike, is spared in our fight against corruption. The National Bureau of Investigation (NBI) has a mandate to fulfill and its action is proof that the President shall not shield those upon whom a shadow of doubt has been cast.

Good governance is the hallmark of the Duterte administration and this latest development is a reaffirmation of the President’s commitment against all forms of corruption and illegality.

Nonetheless, we point out that Technical and Education Skills Authority (TESDA) Director-General Isidro Lapeña has the constitutional right to be presumed innocent. Until and unless proven otherwise, he still enjoys the trust and confidence of the appointing authority who happens to be the President.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *