Dating Customs Intelligence officer Jimmy Guban, hindi isusuko ng Senado
Hindi isusuko ng Senado si dating Customs Intelligence officer Jimmy Guban na iniuugnay sa smuggling ng shabu.
Sa kabila ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipadampot si Guban matapos madawit sa smuggling ng shabu na nagkakahalaga ng 6.8 billion pesos.
Pero ayon kay Senate President Vicente Sotto III, wala pang inilalabas na Warrant of Arrest ang korte laban kay Guban.
Handa naman aniya ang Blue Ribbon Committee na i-release si Guban kung makapagpapakita ng Arrest Warrant ang Philippine National Police (PNP).
Si Guban ay isinailalim sa kustodiya ng Senado mula pa noong September 11 dahil sa pagsisinungaling sa imbestigasyon gayong nauna na itong umaming siya ang naghanap ng consignee para makapasok sa Customs ang mga magnetic lifters na may lamang iligal na droga.
Ulat ni Meanne Corvera